NADISKUBRE sa isinagawang pag-aaral na posibleng may epekto ang pagtapik sa noo, tenga, tuhod habang nakatitig sa isang blangkong pader upang maiwasan

ang paghahanap ng pagkain o ng paboritong pagkain.

Sa pangunguna ni Richard Weil, M.Ed. CDE, Director ng Weight Loss Program sa Mt Sinai St. Luke’s Hospital sa New York City, sinubukan niya ang tatlong nasabing pamamaraan sa obese na 55 lalaki at babae.

Naisagawa ang eksperimento sa pamamagitan ng pagpapaisip sa bawat kalahok ng apat na paborito nilang pagkain. At sila ay inatasang pagsunud-sunurin ang mga ito base sa tindi ng pananabik na matikman ang pagkain.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang lahat ng apat na proseso ay naging epektibo sa mga partisipante na hindi nagawang matakam sa mga naisip nilang mga pagkain -- ang mga kalahok ay overweight ng 83 pounds pataas.

Lumabas na ang pinakaepektibo sa nasabing proseso ay ang pagtapik sa noo, na nagreresulta ng unti-unting paglabo ng mga pagkain na kanilang iniisip.

“This reinforces the idea that it’s possible to distract ourselves from craving even our favorite foods no matter how much we weigh, and this could be used as a weight-loss strategy,” ayon kay Dr. Weil.

Ito ay naiprisinta sa The Obesity Society Annual Meeting sa Boston ngayong linggo. - AFP Relax