Nagpahayag ng pagkabahala ang National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) sa nangyaring pagpatay sa isang testigo sa Maguindanao massacre sa Shariff Aguak, Maguindanao noong Miyerkules.

Sinabi ni Rowena Paraan, chairperson ng NUJP, malaking set back ang pamamaslang kay Dennis Sakal na posibleng makaapekto sa resulta ng kaso.

Si Sakal, kasama ang isa pang kinokonsiderang testigo na si Sukarno Saudagal, ay pinagbabaril ng isang grupo ng kalalakihan habang lulan ng isang tricycle sa Barangay Bagong, Shariff Aguak dakong 8:00 ng umaga noong Miyerkules.

Si Sakal ay dating driver ni Andal Ampatuan Jr., isa sa mga pangunahing suspek sa brutal na pamamaslang ng 58 katao sa Datu Unsay, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kabilang sa mga napaslang ay 32 mamamahayag.

Si Sakal ang ikaapat na kinokonsiderang testigo ngunit naging biktima ng pamamaslang habang nagpapatuloy ang paglilitis sa grupo ni Ampatuan.

Samantala, si Saudagal ay patuloy na ginagamot sa isang ospital bunsod ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

“We demand that government immediately ensure the safety of everyone involved in the trial in the interests of truth and justice,’’ pahayag ni Paraan. - Chito Chavez