Mga laro ngayon: (Ynares Center-Anti polo)

4:15 p.m. NLEX VS . Blackwater

7 p.m. Barangay Ginebra VS . Meralco

Umangat sa solong ikalawang puwesto ang tatangkain ng crowd favorite Barangay Ginebra sa kanilang pagsagupa ngayon sa Meralco sa pagpapatuloy ng aksiyon ng PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hawak ang barahang 5-2 (panalo-talo), sisikaping kumalas ng Kings sa kasalukuyang pagkakabuhol nila ng Rain or Shine Elasto Painters sa ikalawang posisyon sa likuran ng mga namumunong Alaska Aces at San Miguel Beermen na may kartadang 6-1.

Sisikapin ng Kings na makabangon mula sa kinasadlakang kabiguan sa kanilang nakaraang laban sa sister squad na San Miguel Beer, 77-79, sa pagtutuos nila ng Bolts sa tampok na laban ngayong alas-7:00 nggabi.

Para naman sa tropa ni coach Norman Black, hangad nilang makaangat mula sa kinauupuang ikaapat na puwesto sa team standings na hawak ang barahang 3-3, kapantay ng defending champion Purefoods Star Hotshot.

Kung magwawagi, hindi lamang makababalik sa winning track ang Bolts buhat sa dinanas na dalawang dikit na pagkatalo sa kamay ng Talk 'N Text at ang pinakahuli ay noong nakaraang Sabado sa isang fight-marred match kontra sa Rain or Shine sa Davao City, bukod pa sa makakasalo rin nila ang Tropang Texters at Globalport na magkasalo ngayon sa ikatlong posisyon na taglay ang barahang 4-3.

Una rito, magsisikap ding bumalikwas buhat sa natamong tatlong sunod na pagkatalo ang NLEX sa kanilang pagharap sa winless pa ring Blackwater sa ganap na alas-4:15 ng hapon.

Makaraan ang sorpresang panalo nila laban sa Kings, nabigo ang Road Warriors sa sumunod na tatlo nilang laban, ang pinakahuli ay noong nakaraang Nobyembre 14 sa kamay ng defending champion Purefoods, 76-92.

Sa panig naman ng kanilang katunggali, hindi pa ito nakatitikim ng panalo matapos ang unang pitong laro, ang pinakahuli ay laban sa Alaska noong Nobyembre 12, 56-69.