Ibababa ng mga bansang kasali sa G20 ang remittance fee ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansa ngayong Nobyembre mula sa walong porsiyento ay magiging limang porsiyento na lamang.
Ang G20 ay binubuo ng Argentina, Australia, Brazil, Canada, China, France, Germany, India, Indonesia, Italy, Japan, Republic of Korea, Mexico, Russia, Saudi Arabia, South Africa, Turkey, United Kingdom, United States at European Union.
Ikinatuwa ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil malaking tulong ito sa ipinadadalang dolyar ng mga OFWs na madadagdagan ang ipadadalang pera sa bansa. Umaasa ang BSP na mahihigitan ngayong taon ang record high na P25 billion remittances noong 2013.