YUMAO na ang tinatawag na “little giant” ng Senado. Siya si ex-Sen. Juan Flavier, maliit sa pisikal subalit higante naman sa serbisyo publiko. Siya ang nagpasimula ng pagpapadala ng mga doktor sa baryo, paggamit ng herbal medicines, nagpauso ng ‘yosi Kadiri’ at ng ‘let’s DoH it!’. Maging ang “Big Man” ng Senado (Drilon) at ang “tigre ng Senado (Miriam) panay ang papuri sa kanya nang siya’y dalhin bulwagan ng Mataas na Kapulungan noong lunes.

Umuwi ako sa San Miguel, Bulacan dahil sa pagyao ng aking kapatid na isang guro at magsasaka. Siya ang nagaasikaso sa maliit na sakahin sa baryo San agustin na naiwan ng aming amang magsasaka. gulat ako sa pagbabago at pag-unlad ng baryo na sinilangan ko. Ang dati’y madalang na mga kabahayan ay dikit-dikit na ngayon. ang mga puno ng santol, mangga, kamatsili, bayabas, kawayan at iba pa ay wala na. Noong kabataan ko, mga kilala ko ang mga punong ito na pinaninirahan ng mga ibon. Kokonti na rin ang nakita kong mga paru-paro at bubuyog. Maging ang mga tutubi ay nandalang na rin na hinuhuli ko noon upang pagkatapos ay muling pakawalan. Maging ang maliliit na bata na nangaglalaro noon ay medyo may edad na, at pag binabati ako o nagmamano ay hindi ko na makilala. Paano kasi mga puti na ang kanilang buhok, marahil sanhi ng pagsasaka. Talagang ang buhay ay patuloy na pagbabago.

Maagang tatangap ng pamasko ang may 1.3 milyong kawani ng gobyerno. Salamat naman at meron silang pang- Noche Buena at pang-Media Noche.

Noong linggo, dinalaw ng mga opisyal ng aFp at Department of Health ang Filipino peacekeepers na nakaquarantine sa Caballo Island upang maberipika na wala silang ebola virus. Pinatunayan ng mga pinuno na walang ebola infection ang mga sundalo na galing sa West africa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pagdalaw sa pilipinas ni pope Francis sa 2015, siguradong magbubunyi ang sambayanang pilipino sa pagsalubong sa kanya. Mabuhay!

Sa larangan ng pulitika, may balitang binubuo ng mga supporter nina Sens. grace poe at Chiz Escudero ang kanilang tambalan para sa 2016. Tatawagin daw nila itong poe-Francis, parang katunog ng pope Francis. Magclick kaya ito?