May kasanayan sa buhay. Iyan ang hanap ng mga employer sa ibang bansa, ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Sinabi ng kalihim na mayroong 268 kabataan sa Quezon City ang nagtapos sa JobStart Life Skills Training sa ilalim ng JobStart Philippines Program ng DOLE, na sinasabing dapat ilagay na prayoridad at kahalagahan sa pagkuha ng kinakailangang kakayahan upang matugunan ang kinakailangan ng mga employer.

Sa kanyang mensahe sa mga nagtapos na ginanap sa UP Diliman, sinabi ni Baldoz na ang mga employer ngayon ay tumitingin sa kahalagahan ng mga kasanayan sa buhay ng pagsasanay bilang bahagi ng paghahanda ng pre-employment ng mga kabataan. Tinukoy ng mga eksperto ang kasanayan sa buhay at positibong pag-uugali ng mga indibidwal na harapin ang hamon ng araw araw na buhay.

Ang JobStart Life Skills Training ay isang pangunahing yugto ng JobStart Philippines Program na ibinigay sa mga makikinabang na kabataang makukumpleto ang career guidance and employment coaching (CGEC) session. - Mina Navarro
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race