Julie Anne San Jose

FIRST major concert ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose ang Hologram: The Concert sa SM Mall of Asia Arena on December 13.

Sa presscon given by GMA Network and GMA Artist Center, sinagot ni Julie Anne ang ilang intriga na may koneksiyon sa concert, tulad ng nabalitang umiyak siya nang hindi pumayag si Pia Magalona, mother ng dating ka-love team na si Elmo Magalona, na mag-guest sa concert niya ang young actor.

“Hindi ko po alam na may ganoong issue at hindi rin totoo na umiyak ako,” sabi ni Julie Anne. “Sinabihan na rin naman ako na hindi p’wedeng mag-guest si Elmo dahil may prior commitment na siya. Mga fans namin ang nagri-request na i-guest siya. Okey lang kung hindi p’wede dahil maraming beses na rin namang nag-guest si Elmo sa previous concerts ko. In good terms naman kami ni Elmo dahil magkasama kami every Sunday sa Sunday All Stars.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Saka marami na rin po akong ibang guests sa concert, sina Christian Bautista, Sam Concepcion, Abra, Frencheska Farr at Jonalyn Viray,” sabi ni Julie Ann. “Natawa nga rin po ako nang malamang kong inili-link din ako kay Abra, pero nagkasama lang kami, una nang mag-guest siya sa Marian. Then, magkasama kami ngayon sa shooting ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 ni Kuya Dingdong Dantes. Kami ni Abra ang gagawa ng armas na papatay sa mga aswang. Excited nga rin po ako sa first movie ko na entry sa coming Metro Manila Film Festival sa December at sasakay kami sa float sa parade of stars sa December 23.”

Bakit Hologram ang title ng concert niya?

“Naisip po ito ng producer ko, si Robbie Tarroza dahil ako raw ang first local artist na gagamit ng hologram machine dito sa Pilipinas. Magpapakita ito ng awesome display of visual effects in a big concert na tulad ng gagawin ko. In fact, ito ang opening number ko na I will be dancing with an array of Julie Anne San Jose through Hologram.”

Hindi ba siya nag-aalala na baka hindi niya mapuno ang napakalaking venue?

“First time ko pong mag-concert sa ganito kalaking venue at siyempre medyo kabado rin ako. Pero ayaw kong mag-isip negatively, it doesn’t matter sa akin kung puno o hindi, basta I guarantee na I will give my 100 percent best para mapasaya ko lahat ng taong manonood ng concert. With Tito Mark Lopez as my musical director at Tito Louie Ignacio as my stage director, confident akong makapagbibigay kami ng maganda at unforgettable show.”

Produced by GMA Network with Robbie Tarroza Productions, available na ang tickets sa SM Ticket outlets. May balita kaming mabili ang tickets online mula sa fans ni Julie Anne.