ANG liturgical feast of Presentation of the Virgin Mary ngayong Nobyembre ay gumugunita sa araw nang iprisinta siya templo ng kanyang mga magulang na sina san Joaquin at santa ana para sa paglilingkod sa Diyos. ang kapistahan, na tinatawag ding Pro Orantibus Day, ay gumugunita sa mga contemplative religious order upang pasalamatan sila sa pagtatalaga ng kanilang mga sarili sa Diyos sa panalangin, pagmimisyon, at paglilingkod. sa selebrasyon ngayong taon, bibisitahin ni Pope Francis ang isang Camaldolese monastery ng mga mongha sa aventine Hill sa Rome kung saan magdaraos siya ng Vespers (pananalangin sa gabi) kasama ang komunidad.
Ang Protoevangelium of James ay ang pinagmulan ng mga detalye sa buhay ng Mahal na Birheng Maria. ang tatlong kapistahan – Kaarawan ni Maria, ang Holy Name of Mary, at ang Presentation in the Temple – ay lumalapat sa Marian cycle sa unang tatlong kapistahan ni Jesus – Pasko, Holy Name of Jesus, at ang Kanyang Presentation in the Temple. Laging naroon ang presensiya ni Maria sa karamihan ng mahahalagang yugto sa buhay at ministeryo ni Jesus at sa kasaysayan ng kaligtasan ng daigdig. Naroon si Maria sa inkarnasyon, sa pagsilang, sa krusipiksiyon, at sa resureksiyon ni Jesus. Kasama siya ni Jesus sa buong buhay NIYA sa Nazareth. Habang tatlong taon na namalagi ang mga disipulo kay Jesus sa Kanyang pagmiministeryo, 33 taon namang kasama ni Maria ang kanyang anak.
Noong tatlong taong gulang pa lamang si Maria, bilang pasasalamat nina san Joaquin at santa ana sa Diyos sa pagkakaroon ng supling matapos ang maraming taon ng pagkabaog, dinala siya sa templo sa Jerusalem upang pabanalin at italaga sa paglilingkod sa Diyos. Kahit noong pagkabata, nakasentro na sa Diyos ang buhay ni Maria. Pinag-aralan niya ang Banal na Kasulatan at naghintay sa pagdating ng Mesiyas. Nanatili siya sa santuwaryo hanggang ikasal siya kay san Jose, matapos ang annunciation.
Ang kapistahan ngayon ay ipinagdiriwang si Maria bilang isang templo kung saan nananahan ang Diyos. sa isang espesyal na paraan, si Maria mismo ang banal na templo dahil sa kanyang kalinis-linisang paglilihi. Nagsimula ang kapistahan sa Jerusalem noong 543. sa seremonyang Latin, gumugol ng maraming taon upang malawakang tanggapin ang kapistahan; pumasok ito sa Western Calendar noong 1585. Unang nakarating ang kapistahan sa Kanluran sa pamamagitan ng mga monasteryo sa Italy noong ikasiyam na siglo. Pagsapit ng ika-11 siglo, lumaganap ito sa iba pang lguar. Kay Pope gregory XI nagsimula ang kapistahan sa panahon ng avignon papacy. Inilagay naman ito ni Pope sixtus IV sa universal calendar noong 1472. sa Tridentine reform noong 1568, tinanggal ni Pope Pius V ang kapistahan ngunit ibinalik din pagkalipas ng 17 taon ni Pope sixtus V. ginawa itong greater double ni Pope Clement VIII noong 1597. Naging isang memorial ito sa 1969 Roman Calendar.