Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa umano’y “mapanlinlang” na patalastas ng isang food supplement.

Ayon sa FDA, anga patalastas ng produktong Jinga Juice sa social media ay nakitaan ng paglabag sa Republic Act 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.

Nakasaad sa naturang batas na bawal magdeklara ng anumang health claims ang mga food supplement dahil hindi ito gamot sa anumang uri ng sakit.

Sinabi pa ng FDA na bagama’t hindi direktang nakasulat sa Jinga Juice na napagagaling nito ang ilang karamdaman, misleading pa rin para sa FDA ang nakasaad na akma ang food supplement sa mga may anemia, cancer, sakit sa atay, at iba pa.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“The public must be informed that food supplements approved by the FDA shall not, in anyway, cure any symptoms or disease conditions,” anang FDA, sa Advisory 2014-080 na inisyu nito.

Iniimbestigahan na ng FDA ang naturang kaso para sa kaukulang aksyon.