Ed Lingao

MULING babaguhin ng TV5 ang larangan ng newscast sa buong bansa sa pagbabalik telebisyon ng beterano at multi-awarded broadcast journalist na si Ed Lingao bilang pinakabagong anchor ng Aksyon Tonite, ang late evening news program ng Kapatid Network.

Dala-dala ni Ed ang kanyang halos tatlumpung taong karanasan sa pagbabalita, investigative journalism at pati na rin sa news production, na tuluyang nagbigay daan upang kilalanin siya at makamit niya ang iba’t ibang bigating parangal katulad na lang ng 2010 Marshall Macluhan Award mula sa Canadian Embassy, ang Rotary Club Journalist of the Year noong 2011, at ang Red Cross Humanitarian Award ng 2011.

Kabilang sa mga kinoberan ni Ed Lingao ang human rights, usaping-pulitika, at pati na rin sa pagbibigay-linaw sa mga balitang may kinalaman sa pagluklok sa mga naging pangulo ng bansa. Kinilala rin si Ed sa pagiging mapanuri sa kanyang eksklusibong news coverage ng mga digmaan sa iba’t ibang lugar ng bansa, pati na rin sa ibang panig ng mundo katulad ng sa Southern Philippines, Iraq, Afghanistan, at East Timor.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Sa kanyang pagpronta sa Aksyon Tonite, kasama sina Cheryl Cosim at Jove Francisco, maaasahan ng mga manonood ang mas pinalakas at mas pinalawig pang pagbabalita gabi-gabi, 10:00PM sa TV5.