ROME (AP)— Hiniling ni Pope Francis ang mas makatarungang distribusyon ng yaman ng mundo para sa mahihirap at nagugutom noong Huwebes, sinabi sa isang UN conference on nutrition na ang pagkakaroon ng pagkain ay isang karapatang pantao na hindi dapat ibatay sa galaw ng merkado at paghahangad na kumita.
“We ask for dignity, not for charity,” ani Francis told the U.N. Food and Agriculture Organization.
Ito ang kanyang talumpati sa pagtitipon ng mahigit 170 bansa sa isang kumperensiya na pinagtibay ang bagong voluntary guidelines upang maiwasan ang malnutrition, isulong ang malusog na pagkain at mabawasan ang antas ng obesity sa buong mundo.
Ginunita ni Francis na nang magtalumpati si St. John Paul II sa unang UN conference on nutrition noong 1992, nagbabala ito laban sa panganib ng “’paradox of plenty,’ in which there is food for everyone, but not everyone can eat, while waste, excessive consumption and the use of food for other purposes is visible before our very eyes.”
Sinabi ni Francis na nakalulungkot na nangyayari ito hanggang sa kasalukuyan.