HINDI alam ng nakararami kung anu-ano ang mga bagay na hindi puwedeng itanong at sabihin sa isang nagdadalantao.

“It’s just unbelievable that people are just so willing to say anything, and what that anything is -- it’s literally anything,” sabi ni Jodi Rubin, psychologist sa New York at walong buwang buntis.

Halimbawa na lamang nito ay ang komento ng mga tao sa pagmamanas ng hita at bilugang mukha ni Rubin, o kaya naman ay ang guwardiya na nagtanong kay Rachel Turow, abogado sa District of Columbia, kung paano ito nabuntis. Isa pang halimbawa nito ay ang pagrekomenda ng barista sa Starbucks kay Kristen Wilson, software consultant sa Arlington, Virginia, na isang kahon lamang ng pagkain ang dapat bilhin nito dahil siya ay tataba.

Narito ang ilan sa mga hindi puwedeng sabihin sa mga buntis:

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

  1. Tungkol sa kanyang pangangatawan at sukat “You’re huge!” “Are you sure you’re not having twins?” at “You’re so much bigger than the last time I saw you!” ang mga komentong ito ay magpapabigat ng loob ng babae.
  2. Pagtatanong kung gaano karami ang nakakain niya. Halimbawa nito ang karanasan ni Shelly Holmstrom, OB-GYN sa Tampa, Florida, na noong nagbubuntis ay madalas punahin ng iba ang kanyang kinakain at iniinom. “I think people really try to be well-meaning and wellintentioned, but it comes off as making you feel guilty,” sabi ni Holmstrom.
  3. Pagkuwento tungkol sa mahirap na panganganak

Normal lamang na makaramdam ng pangamba ang mga buntis tungkol sa panganganak at matapos manganak -- hopefully in a healthy, planning way,” saad ni Holmstrom. Ngunit kapag ang mga magulang ay nagbigay ng maling detalye — maaaring magbunga ito ng matinding takot sa magiging ina na makaaapekto sa magiging anak.

“Becoming a mother’ has everything to do with you caring for your child to the best of your ability and having a delivery -- whether it be a cesarean section or vaginal delivery -- that is the safest for you and your baby,” sabi ni Rachna Vanjani, isang OB-GYN sa Boston. “The most important outcome is having a healthy baby and healthy mom at the end of the day.” - U.S. News