Labinwalong senior citizens ang inaresto sa pamemeke ng papeles ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para makahingi ng tulong pinansiyal sa lalawigan ng Laguna.

Hindi nakalusot ang mga suspek na matangay ang perang nakalaan para sa mga lehitimong taga-Laguna nang harangin sila ng pulisya.

Itinuturo ng mga suspek ang dalawang utak ng sindikato na sina Corazon Ranchez at Rolando Lacadman.

Isang tauhan ng DSWD ang kinutuban at ipinaaresto ang mga suspek matapos na matanggap ang salapi sa Sta. Cruz, Laguna.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Modus operandi ng grupo, na mameke ng mga papeles ng DSWD at tutungo sa mga tanggapan nito sa iba’t ibang probinsya para humingi ng tulong pinansiyal.

Ang mga inaresto ay pawang taga-Maynila at Cavite.

Sa kuwento ng 66-anyos na lolang naaresto, may nakahanda ng mga pekeng papeles para palabasing residente sila ng Laguna at kanilang medical abstract na idinadahilan ng kanilang paghingi ng tulong ang pagkakaroon nila ng sakit.

Sumailalim sila sa interview sa DSWD para humingi ng P20,000. Ang kalahati ay mapupunta sa mga suspek habang ang kalahati ay mapupunta kina Ranchez at Lacadman.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na matagal nang gawain nina Ranchez at Lacadman ang pamemeke ng papeles ng DSWD sa mga probinsiya.

Aabot sa P360,000 ang matatangay sana ng sindikato kung nagtagumpay ang 18 matatanda na nahaharap ngayon sa kasong attempted estafa through falsification of public documents.