Umapela kahapon ang Philippine National Police sa publiko na huwag basta maniwala sa mga tsismis na may banta sa seguridad ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa at sa pagdaraos ng Asia-Pacific Economic Cooperation summit sa Pilipinas sa 2015.

Sinabi ni PNP Directorate for Intelligence deputy director Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr., na wala silang nakikitang “major security threat” sa dalawang malaking okasyon na gaganapin sa Pilipinas, partikular na sa pagbisita ni Pope Francis.

“We appeal to the public to cooperate with the PNP to ensure the safety of the Pope in his visit to our country and not to believe in rumor-mongers and speculations,” apela ni Cerbo.

Binigyang- diin ng pulisya na patuloy nilang sinusubaybayan ang mga lokal na grupo na maaaring manggulo.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“No positive links among such groups have been established so far and no specific threats to the upcoming events coming from these groups have been detected,” pagtiyak ni Cerbo.