Sunshine Cruz sa 'MMK' copy

MARAMING manonood ang pinaluha at binigyan ng inspirasyon ng Maalaala Mo Kaya sa pamamagitan ng kuwento ng katapatan, pag-asa at pagbangon ng isang preso sa Tacloban na nagngangalang Jomar (ginampanan ni Ejay Falcon), na kusang loob na bumalik sa kulungan matapos tulungan ang kanyang pamilya nang manalasa sa kanilang probinsiya ang super bagyong si Yolanda.

Sa resulta ng survey ng Kantar Media noong Sabado (Nobyembre 15), nanguna sa listahan ng most-watched TV programs noong weekend (Sabado at Linggo) ang MMK Tacloban na pumalo sa 30.7% ang national TV rating, mas mataas ng walong puntos sa katapat nitong programa sa GMA na Magpakailanman (23%).

Bukod sa mataas na ratings, namayagpag din sa Twitter ang MMK Tacloban. Naging isa sa worldwide trending topics noong Sabado ang official hashtag ng programa na #MMKTacloban dahil bumuhos ang tweets ng netizens kaugnay ng paghanga nila sa pagmamahal ni Jomar sa kanyang pamilya at hindi matitinag na integridad.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ngayong Sabado, ibabahagi naman ng MMK ang inspirasyon sa mga manonood sa pamamagitan ng panibagong drama episode tampok si Sunshine Cruz na gaganap bilang si Cynthia, ang mapagmahal na asawa at ina na laging inuuna ang kapakanan ng kanyang pamilya kaysa sa sarili niyang kaligayahan.

Sa labis na pagpapahalaga na mapanatiling buo ang kanyang pamilya, hindi na iniinda ni Cynthia ang miserable niyang buhay sa piling ng mapang-abuso at selosong asawa na mahigpit din sa kanyang mga anak.

Matututuhan kaya ni Cynthia na manindigan para sa kanyang sarili kapag nalaman niya na maging ang kanyang mga anak ay biktima na rin ng pangmamalupit ng kanilang ama?

Makakasama ni Sunshine sa kanyang pagbabalik sa MMK sina Gardo Verzosa, Sue Ramirez, Janus del Prado, Nikki Valdez, Kristel Fulgar, Isabel Lopez, Joshua Dionisio, Alexa Macanan, Nathaniel Britt, Kyline Alcantara, Margareth Nico, Jacob Dionisio, Jeffrey Hidalgo, at Onse Tolentino, mula sa script nina Arah Jell Badayos at Benjamin Benson Logronio at sa direksyon ni Raz de la Torre.