Pinaiimbestigahan ng Department of Justice (DoJ) ang pagpatay sa dalawang bilanggo na nagsaksakan sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, iniutos niya ang masusing imbestigasyon upang alamin kung ano ang pinag-ugatan ng insidente.

Nais din ni de Lima na malaman kung bakit nakapagpasok ng ice pick sa loob ng selda na mahigpit na ipinagbabawal ng prison officials.

Sa rekord, gumamit ng improvised ice pick ang dalawang inmate na sina Enrico Maglasang at Aresteres Lucero na kapwa namatay habang ginagamot sa NBP hospital.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay NBP spokesperson Supt. Celso Bravo, parehong miyembro ng gang na “Batang Cebu” ang dalawang bilanggong kapwa nakapiit sa 13-C Dormitory ng compound.

Nabatid na unang inundayan ng saksak ni Lucero si Maglasang sa hindi pa malamang dahilan kaya’t gumanti rin ito ng saksak.

Sinabi ni de Lima, sakaling may makitang kapabayaan sa ipinatutupad na seguridad sa NBP, may katumbas na parusa ang mga namumuno sa pasilidad.