Sinampahan na ng kasong kriminal sa Sandigangbayan si Assistant City Prosecutor II Raul Desembrana ng Quezon City Prosecution Service makaraang arestuhin sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) habang nangingikil sa isang restaurant sa Quezon City.
Isinampa ang kaso matapos na pagtibayin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na sabit sa kasong Direct Bribery and violation of Section 7(d) of Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).
Ang akusado ay naaresto sa entrapment operation ng NBI matapos ireklamo ni Dr. Alexis Montes at abogado nitong si Efraim Cortez sa pangongotong ng P80,000 na ang kapalit ay pagbabasura ng kasong isinampa laban sa mga ito.
Nabatid pa na sa isinagawang operasyon ay dinakip si Desembrana habang tinatanggap ang marked money envelope na may lamang 4 piraso ng P1,000 na nakapatong sa marked money.
Sa inilabas na resolution sinabi ni Ombudsman Morales na bilang assitant city prosecutor ng DOJ ay dapat na desisiyunan ng akusado ang lahat nang itinalaga sa kanyang kaso base sa merito nito at walang ano mang dapat na kapalit.