LAGAWE, Ifugao - Puntirya ng pamahalaang panglalawigan ng Ifugao na maging malaria-free ang probinsiya pagsapit ng 2016, ayon kay Saturnino Angiwan, malaria program coordinator ng probinsiya.

“If there is no indigenous case or affected victim within the province for the next two years, we could apply for assessment for free malaria declaration after 2016,” ani Angiwan.

Ayon kay Angiwan, sa 11 bayan sa probinsiya ay pito ang apektado ng endemic malaria, at 13 sa 175 na barangay ay nakapagtala ng indigenous malaria sa nakalipas na limang taon, pero dahil sa estratehiya sa pagsugpo sa sakit ay wala nang indigenous case sa Ifugao sa ngayon.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente