Nagsagawa ng kilos-protesta sa Korte Suprema ang iba’t ibang grupo bilang pagpapakita ng pagkondena sa mabagal na desisyon ng mga mahistrado sa disqualification case laban kay Manila Mayor Joseph Estrada.
Nagtipun-tipon kamakalawa sa harap ng Supreme Court (SC) ang mga grupong Kaisa sa Mabuting Pamamahala, Coalition of Women Against Corruption, mga abogado ng Hukuman ng Mamamayan Movement Inc., Movement Against Corruptions at Koalisyon ng Kabataan laban sa Korapsyon.
Ayon kay Tina Bonifacio, presidente ng grupong Movement Against Corruptions, ipinahayag na nila ang hinaing dahil nababahala sila na maimpluwensyahan ni Estrada ang mga mahistrado ng SC sa tagal ng proseso ng desisyon sa kaso.
Dagdag ni Bonifacio, mababalewala ang ipinaglaban ng mga Pilipino noong EDSA 2 kung papayagan si Erap na muling humawak ng posisyon sa gobyerno sa kabila ng dalawang beses na itong nahatulan.