Kobe Bryant, Jeff Teague

ATLANTA (AP)– Umiskor si Kobe Bryant ng 28 puntos at nakuha ng Los Angeles Lakers ang ikalawang panalo ngayong season nang talunin ang Atlanta Hawks, 114-109, kahapon.

Ang locker room na karaniwan ay tahimik pagkatapos ng isang laro ay mas naging maingay sa pagkakataong ito.

‘’Man, oh man, that’s a lot better,’’ saad ni Jeremy Lin. ‘’It’s been a rough start to the season.’’

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang pinakamalaking shot ni Bryant ay nangyari sa huling 1:11 ng kanyang maipasok ang isang fadeaway jumper habang nakasungkit ng foul kay Thabo Sefolosha. Nakumpleto niya ang three-point play upang ibigay sa Lakers ang 108-102 abante.

‘’It’s been tough,’’ ani Bryant. ‘’But you find beauty in the process.’’

Nagkaroon ang Hawks ng pagkakataon na maipuwersa ang overtime, ngunit natakpan ng Lakers (2-9) ang long-range threat na si Kyle Korver na nag-iwan naman kay Pero Antic na puwersahang ibinato ang isang open 3-pointer.

Tumalbog ito sa ring at hinablot ng Lakers ang loose ball upang selyuhan ang panalo.

Pinangunahan ni Paul Millsap ang Atlanta sa kanyang 29 puntos.

Nagdagdag si Carlos Boozer ng 20 puntos para sa Lakers, at si Nick Young, nagbabalik mula sa isang thumb injury, ay nagtala ng 17 sa kanyang unang game para sa season.

Gumawa si Jeff Teague ng 23 para sa Hawks, na natalo sa unang pagkakataon sa kanilang bakuran.

Sa first half, hindi nagmukha ang Lakers bilang koponan na natalo sa siyam sa unang 10 nitong laro, nagtala ng season-high para sa puntos sa isang half habang kinuha ang 67-52 na abante. Umiskor si Bryant ng 19 puntos at nag-ambag si Boozer ng 18, kabilang ang isang tip-in bago tumunog ang halftime buzzer.

Inumpisahan ng Hawks ang second half sa pamamagitan ng 13-0 run ngunit hindi nagawang makabalik mula sa malaking pagkakaiwan. Sa stretch, nakagawa ang Lakers ng sapat na plays upang putulin ang kanilang four-game losing streak.

Kahit pa nagmintis si Bryant mula sa sulok, naagaw naman ni Jordan Hill ang offensive rebound at naipasok ang bola upang ilagay ang Los Angeles sa 111-106 sa natitirang 17.7 segundo.

Resulta ng ibang laro:

Milwaukee 117, New York 113

Utah 98, Oklahoma City 81