DOH Acting Sec. Janette Loreto Garin briefs the media regarding on the circulating news in Social Media on alleged cases of Ebola found in the Philippines during a press conference at the DOH Ofice in Manila on Thursday, November 06, 2014. (KJ ROSALES)

Nina LESLIE ANN G. AQUINO at MARIO CASAYURAN

Nanawagan kahapon si Sorsogon Bishop Arturo Bastes na isalang din sa quarantine si acting Health Secretary Janette Garin at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. upang matiyak na hindi ang mga ito tinamaan ng Ebola virus.

Ito ay matapos bisitahin nina Garin at Catapang ang mga Pinoy peacekeeper na sumasailalim sa quarantine sa Caballo Island nang walang protective equipment, na dapat sana’y bahagi ng protocol na ipinatutupad sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“Dapat i-quarantine ang dalawa upang matiyak wala silang Ebola virus matapos ang kanilang pagbisita nang walang protetive gear,” sabi ni Bastes sa panayam.

Samantala, nangangamba ang mga empleyado ng Senado sa posibilidad na sila ay tamaan ng Ebola virus dahil sa nakatakdang pagharap ni Garin at Catapang sa Mataas na Kapulungan sa susunod na linggo upang talakayin ang 2015 budget ng DoH at AFP.

Binatikos din ni Sen. Jose Victor Ejercito ang dalawang opisyal sa pagtungo ng mga ito sa Caballo Island at itinuring nito ang naturang hakbang bilang isang publicity stunt.

Aniya, wala nang saysay na magsuot pa sina Garin at Catapang ng protective suit sa kanilang pagtungo sa Senado dahil marami na ang mga itong nakahalubilo nitong mga nakaraang araw.

Pinayuhan din ni Ejercito ang dalawa na kumuha muna ng medical certificate bago magtungo sa Senado upang matiyak na wala silang Ebola virus.