blind item shades

NAKITA namin ang kilalang singer/actor kasama ang actress na tila bago niyang nililigawan habang nagwi-window shopping sa isang sosyal na mall.

Parehong loveless ngayon ang singer/actor at actress kaya okay lang kung mag-date sila. Ang nakakatawa, dedma naman ang mga tao sa kanila sa nasabing mall kasi nga puntahan ito ng mga sosyal at kami lang ang nakakilala kasi hindi naman kami sosyal, ha-ha-ha-ha!

Anyway, mukhang type naman ni Actress si Singer/Actor dahil kung hindi, eh, malamang hindi siya papayag na makipag-date.

National

Liderato ng Kamara, posible pa ring pamunuan ni Romualdez—Solon

Ang tanong namin, seryoso kaya si Singer/Actor kay Aktres?

Kasi ang alam namin ay mahilig lang makipag-date ang guy pero hindi naman niya itinutuloy sa seryosohang panliligaw o pakikipagrelasyon. Puwede ring bistado na siya ng girls na nakaka-date niya kaya na ginagamit lang sila.

Itong si aktres na bagong idini-date ni Singer/Actor, alam kayang baka gagamitin lang din siya?

Sayang naman si Actress, kagagaling lang niya sa break-up kaya sana huwag muna siyang magpapadala sa mga ipinapakita ni Singer/Actor na gamitero at palikero at higit sa lahat, hindi naman guwapo.