Sinampahan ng kaso sa Office of the Omudsman ang isang dating party-list congressman dahil sa umano’y pagwaldas ng pondo na aabot sa P75 milyon.

Kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang inihain sa anti-graft agency laban kay Sibayan Lumbos ng Ating Koop party-list nominee na si Isidro Lico.

Sinabi ng kasamahan ni Lico sa nasabing party-list na kaya nila pinatanggal si Lico ay dahil sa nasabing usapin.

Idinamay din sa kaso ang liaison officer ni Lico na si Reynaldo Golo; David Serrano Jr., municipal assessor at budget officer ng Sta. Elena, Camarines Norte at Alex Nuñag.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente