NAKATAKDANG ganapin sa December 11 sa Marina Bay Sands sa Singapore ang 19th Asian TV Awards o ATA 2014.
Sa natanggap naming e-mail na naglalaman ng listahan ng mga nominado mula sa pamunuan ng ATA last November 13, nag-iisang Pinoy actor si Dennis Trillo na pumasok bilang nominee for Best Actor in a Leading Role para sa pagganap niya sa controversial drama series na My Husband’s Lover ng GMA Network.
Ito rin ang nagbigay kay Dennis ng Outstanding Performance by an Actor in a Drama Series trophy sa 5th Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society. Ma-duplicate kaya ng aktor ng Hiram Na Alaala ang karangalang ipinagkaloob ng local award-giving body sa kanya few months ago?
Sa gaganaping ATA, Dennis competes with Asia’s best. Makatutunggali niya sina Pierre Pang -- Zero Calling (MediaCorp Pte Ltd, Channel 5- Singapore); He Shengming -- Love of OB & Gyns (Hunan ETV Media Culture Co. Ltd., Hunan TV Station, Satellite Channel- China); Ban Tieh-Hsiang -- My Super Dad (Tzu Chi Culture and Communication Foundation, Da Ai TV- Taiwan); Zhai Tianlin -- The Master of the House (China Huace Film & TV Co., Ltd., Shanghai Media Group, Dragon TV- China) and again, Pierre Png -- The Journey: A Voyage (MediaCorp Pte Ltd, Channel 8 - Singapore).
Ang iba pang nominees from the Philippines ay sina Dominic Zapata for Best Direction (My Husband’s Lover), at TJ Manotoc for Best Sports Presenter/Commentator (The Score/ABS-CBN Sports + Action).
Tatlong pangunahing news programs ng bansa nominado sa kategoryang Best News Programme at ito’y ang mga News TV Quick Response Team: Krisis Sa Zamboanga GMA Network, Inc., GMA News TV, Channel 11 (Philippines); TV Patrol: Haiyan’s Fury, ABS-CBN Corporation (Philippines) at Saksi: Wrath of Typhoon Yolanda, GMA Network, Inc., GMA Channel 7 (Philippines).
Sa kategoryang Best Infotainment Programme, pasok naman ang Pinoy Hoops: A National Obsession, Fox International Channels Asia, National Geographic Channel Philippines.
Napansin naman ng Asian TV Awards ang The Voice of the Philippines ng ABS-CBN Corporation para sa Best Adaptation of an Existing Format.
We heard, GMA is sending Dennis to Singapore -- win or lose -- to experience the Asian TV Awards atmosphere.
Nagpaabot naman ng congratulatory message ang co-star ni Dennis sa My Husband’s Lover na si Tom Rodriguez.
“I’m happy for Dennis and Direk Mark. Pinaghirapan nila ‘yun and both deserved to be nominated. I’m praying for both of them to win. Sobrang masaya ako para sa kanila,” sambit ni Tom nang makorner namin sa #Fearless The Repeat ni Jonalyn Viray sa Music Museum.