Mga laro ngayon: (Ynares Sports Arena)

12 p.m. Tanduay Light vs. Cebuana Lhuillier

2 p.m. Cagayan Valley vs. Cafe France

4 p.m. Jumbo Plastic vs. Wang’s Basketball

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Makisalo sa kasalukuyang namumunong Hapee Toothpaste ang tatangkain ng Cagayan Valley at Café France sa kanilang pagtutuos ngayon sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kasalukuyang magkasalo sa ikalawang posisyon na hawak ang malinis na barahang 3-0, mag-uunahan ang Rising Suns at Bakers na makapagtala ng ikaapat na sunod na tagumpay para makasalo sa liderato ang Fresh Fighters.

Sa ganap na alas-2:00 ng hapon magtutuos ng dalawang koponan matapos ang unang laban sa pagitan ng Tanduay Light at Cebuana Lhuillier sa ganap na alas-12:00 ng tanghali.

Maghaharap naman sa huling laro ang Jumbo Plastic Linoleum at Wang’s Basketball sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

“It’s going to be a another tough test for us, but if we can continue playing as a team, nothing is impossible,” pahayag ni Rising Suns Fil-Am guard Abel Galliguez na siyang namuno sa koponan sa kanilang ikatlong sunod na tagumpay noong nakaraang Nobyembre 13 kontra sa Cebuana Lhuillier, 79-76.

Para naman kay Café France coach Egay Macaraya, kailangan nilang paghandaan ang inaasahan nilang matinding banggaan dahil na rin sa tatak ng Rising Suns bilang isang defensive team.

Sa unang laro, kapwa naman mag-uunahang makabalik sa winning track ang Tanduay Light at ang Cebuana Lhuillier na kapwa sumadsad sa dalawang sunod na kabiguan makaraang maipanalo ang una nilang mga laban.

Kasalukuyang magkasalo ang Gems at Rum Masters sa ikaapat na posisyon taglay ang barahang 1-2 (panalo-talo) kasunod ang main game protagonists na Linoelum Giants at Wang’s Basketball na magkasalo naman sa ikatlong posisyon na kaakibat ang kartadang 2-1.

Nanggaling ang Wang’s sa panalo sa kanilang nakaraang laro kontra sa Racal Motors, 80-72, habang nabigo naman ang Giants sa kamay ng Café France.