Rafael Nadal

Madrid (AFP)– Inaasinta ni French Open champion Rafael Nadal na makabalik sa kundisyon para sa Australian Open, na mag-uumpisa sa Enero, habang siya ay nagrerekober mula sa appendicitis operation, sinabi ng Spaniard noong Martes.

Hindi na natapos ng dating world number one ang kasalukuyan season dahil sa appendicitis ngunit sinabi niya na gusto niyang tapusin ang Disyembre upang makapaghanda para sa 2015.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

"As ever after a period when things haven't gone well, you're a bit more eager to (prepare) well, although there is uncertainty about how things will go," lahad ng 28-anyos sa isang promotional event.

"I hope to use December to prepare well.”

"I'll have a month before things start in Australia, I hope and believe that's enough to get me to my best level."

Huling naglaro si Nadal sa Basel noong Oktubre at sumailalim sa operasyon sa kaagahan ng buwan na ito.

Sinabi niya na ang mga nagdaang buwan ay naging “complicated” ngunit idinagdag niya na ito ay “a year in which you win a Grand Slam cannot be a bad year.”

Noong Hunyo, nanalo siya sa Roland Garros sa ikasiyam na beses sa loob ng 10 taon.

Nagawa pa rin niyang mapanalunan ang Madrid Masters at mga event sa Doha at Rio, gayundin ang kanyang pag-usad sa Australian Open final at maging sa mga torneo sa Miami at Rome Masters.

"I'm very excited and I hope this year, from a health perspective, will allow me to compete the whole time and to feel good," dagdag ni Nadal, ang 2008 Olympic champion at 14-time Grand Slam winner.

Sinabi nito na uumpisahan niya ang darating na taon sa paglahok sa isang exhibition event sa Abu Dhabi bago idipensa ang titulo sa Doha patungo sa pagsabak sa Australian Open.