Inihanda ng Department of Health (DOH) ang quarantine program para sa 108 Pinoy UN Peacekeeper na nagbalik-bayan kamakailan mula Liberia dahil sa isang magandang dahilan. Sapagkat mapanganib ang ang sakit na dulot ng Ebola virus, kung saan namamatay agad ang sinumang mahawahan, at naisasalin ito sa pamamagitan ng body contact. Nais tiyakin ng DOH na may safety program ang bansa.

Ngunit noong Linggo, dalawang pinakamataas na opisyal ng DOH at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagduda sa pangangailangan ng isang mahigpit na quarantine program. Sila na dapat nagnanais tiyakin na ang mga UN Peacekeepr na naka-quarantine ay ligtas at hindi dapat pandirihan. Kaya nakipagkita sina acting Secretary of Health Janette Garin at AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang Jr. sa mga naka-quarantine na sundalo sa Caballo Island nang harap-harapan na walang anumang protective suits.

Agad namang ipinagtanggol ng Malacañang ang hakbang nina Secretary Garin at Gen. Catapang, sinabing hindi nila nilabag ang protocol ng World Health Organization (WHO) hinggil sa Ebola. Ang WHO protocol ay para lamang sa pagsasanay ng healthcare team, paglilipat ng mga pasyente, isang surgical list, operating room personal protection equipment, technical considerations in surgical operations, doffing protective attire, specimen and waste management, mga hakbang na dapat gawin kapag nahawakan ang body fluids ng isang pasyente, at ang ligtas na paglilibing sa mga namatay sa Ebola virus.

Wala ngang paglabag sa mga protocol ng WHO, sapagkat saklaw lamang nito ang mga may kaso ng Ebola. Walang WHO protocol para sa mga simpleng nagbabalik-bayan mula sa West Africa. Ang quarantine na itinakda ng ating DOH ay para lamang sa sarili nating pag-iingat. Maaaring over-reaction lamang ito sa pangamba ng Ebola kasunod ng mga naunang ulat ng pagkamatay ng mga doktor na nakahawak ng mga pasyente sa West Africa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, sinabi ng pangulo ng Philippine College of Physicians na si Dr. Anthony Leachon, na nilabang ang quarantine protocols. Ang quarantine – ang state-enforced isolation – ay inilatag upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Ano ang mangyayari ngayon? Alisin na natin ang quarantine dahil hindi naman talaga ito ipinatutupad? O aaminin ng mga opisyal na nagkaroon ng paglabag na maaaring magpahamak sa kalusugan ng bansa?