Siyam na umano’y ninakaw na sasakyan ang nabawi ng awtoridad sa isang carnap gang sa isang safehouse sa Parañaque City na bumibiktima ng mga namumuhunan sa rent-a-car business.
Sinabi ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, na pinaghahanap na rin ngayon ng pulisya ang dalawang pinaghihinalaang lider ng carnap gang na ang magkapatid na sina Russel at Romulo Dolor Pacia Jr., resident eng No. 3 Chapel Road, San Valley Subdivision, Parañaque City.
Sinalakay ng mga tauhan ng anti-carnapping group sa pamumuno ni Supt. Teofilo Andrada ang isang compound sa Sheryl Mira St., Multinational Village, Parañaque City dakong 11:00 noon Martes ng gabi kung saan nabawi ang apat na Nissan Somera na may mga conduction sticker KD937, 2455, 2486 at KB2077; apat na Toyota Vios na may plakang ALY-128, WEO-410, AAJ-569 at conduction sticker YD6954; at isang Kia Picanto na may conduction sticker EE2575.
Ang pagsalakay ay isinagawa base sa reklamo nina Remia Bulaclac at Denver Torio na nagsabing hinikayat sila na ipagamit ang kanilang sasakyan sa rent-a-car business upang magkaroon ng kargdagang kita.
Subalit matapos pakagatin ng mga suspek sina Bulaclac at Torio nang magbigay ito ng pera ng tatlong beses bilang bahagi ng kita ng rent-a-car business ay bigla na lamang naglaho parang bula ang dalawang pinaghihinalaan tangay ang sasakyan ng mga biktima. (Mitch Arceo)