Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa pagbaril at pagpatay sa bise alkalde ng Villaba sa Leyte sa loob ng sarili niyang restaurant sa Barangay Poblacion noong Lunes ng tanghali, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Senior Insp. Miguelito Bucadi, hepe ng Villaba Police, na agad na tumakas lulan ng motorsiklo ang dalawang suspek sa pagpatay kay Vice Mayor Claudio Larrazabal.

Hindi na umabot nang buhay sa pinagdalhang ospital sa Ormoc City ang 48-anyos na bise alkalde.

Agad na inalerto ang mga pulisya sa ikatlo at ikaapat na distrito ng Leyte para madakip ang mga suspek, ayon kay Bucadi. (Aaron B. Recuenco)
National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado