Nobyembre 19, 1994 nang isagawa ng The National Lottery ng United Kingdom ang unang lottery draw na umabot sa pitong milyon na tiket ang naibenta sa loob ng 12 oras.
Aabot sa £7million ang kabuuan ng napanalunan, ang lahat ay binayaran nang isang bagsakan at walang buwis. Sa pagbili ng tiket, ang isang indibiduwal ay may one-in-14- million na tyansang manalo sa tamang paghuhula ng anim sa 49 na numero.
Pinangasiwaan ng Camelot Group, ang lottery sa UK ay pinamumunuan ng National Lottery Commission, na itinatag ni noon ay UK Prime Minister John Major.
Sa lahat ng perang ginugol sa National Lottery games, 50 porsiyento ay napupunta sa prize pool, 28 porsiyento sa “good causes” na itinakda ng Parliament, 12 porsiyento sa UK Government, limang porsiyento sa retailers, at ang natitirang limang porsiyento ay sa Camelot.