Sinasabing personal na misyon ng reigning MVP na si Junemar Fajardo na maihatid ang San Miguel Beer sa kampeonato.

Matapos ang anim na laro, nakapagtala ng average na 16.3 puntos, 13.3 rebounds at league best na 3.1 blocks, ang6-foot-10 slotman sa ginaganap na 40th Season ng PBA Philippine Cup.

Bagamat nagkaroon lamang ng isang linggong pahinga, matapos ang kanilang makaubos lakas na stint sa Gilas Pilipinas, hindi kinakitaan ng anumang senyales ng pagkapagod si Fajardo.

Noon lamang nakaraang Nobyembre 8, nagposte si Fajardo ng 11 puntos, 13 rebounds, 3 blocks at 2 assists upang pangunahan ang Beermen para maitakas ang 79-76 panalo laban sa baguhang NLEX sa larong ginanap sa Tubod, Lanao del Norte.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nagsilbi namang pampagana ang nasabing performance ni Fajardo kontra sa NLEX tun go sa isa na namang mas matinding bakbakan kontra sa kanilang sister team na Barangay Ginebra noong nakaraang Linggo.

Katapat ang dating kakampi sa Cebu at nakaraang taong top rookie na si Greg Slaughter, muling nanaig si Fajardo nang magposte ng 21 puntos, 15 rebounds at 5 blocks para giyahan ang Beermen tungo sa 79-77 panalo.

Sa katunayan, nag-take-over ang 25-anyos na si Fajardo at binasag ang huling pagkakatabla sa 72 sa pamamagitan ng isang undergoal stab laban sa nagdedepensang si Slaughter, may nalalabing 24.1 segundo sa laban.

Sinelyuhan din niya ang nasabing panalo sa pamamagitan ng dalawang basket kaya naman na wala nang pag-aatubili sa paghirang sa kanya bilang Accel-PBA Player of the Week mula Nobyembre 10-16 kung saan tinalo niya para sa lingguhang citation sina Calvin Abueva ng Alaska at Joseph Yeo ng Ginebra.

“Sobrang nag-mature na siya ngayon. Sabi niya sa akin, he doesn’t want to win just the MVP, but he really wants to win a championship,” ayon kay San Miguel coach Leo Austria.