RIYADH (Reuters)— Dahil sa pinaigting na seguridad sa Saudi Arabia ay nahirapan ang Islamic State na targeting ang gobyerno kayat sa halip ay inuudyukan ng mga militante ang iringan ng mga sekta sa pamamagitan ng mga pag-atake sa Shi’ite Muslim minority, sinabi ng Saudi Interior Ministry.

Noong nakaraang linggo, nanawagan ang lider ng grupong Sunni na si Abu Bakr al-Baghdadi ng mga pag-atake laban sa mga namumunong Sunni ng Saudi Arabia, na idineklara ang Islamic State na isang teroristang samahan, sumali sa international air strikes laban dito, at pinakilos ang matataas na imam para kondenahin ang grupo.

“Islamic State and al Qaeda are doing their best to carry out terrorist acts or crimes inside Saudi Arabia,” pahayag ni Major General Mansour Turki, security spokesman ng Interior Ministry, sa Reuters. “They are trying to target the social fabric and trying to create a sectarian conflict inside the country.”

National

Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol; Aftershocks at pinsala, asahan!