MATATAGPUAN sa silangan ng Nice sa French Riviera at maapit sa hangganan ng italy, isa ang Monaco sa mga popular resrt ng Europe. Nakalukob sa paanan ng alps, tinatamasa ng Monaco ang klimang Mediterranean, na may mainit at tuyot na summer at banayad na winter. French ang opisyal na wika ngunit laganap din ang italian, English, at Monegasque.

Mahigit 0.8 squar emiles (1.95 square kilometers) ang lawak ng Monaco, halos kasinlaki ang Central Park sa New York City. ito ang pinakamaliit na estado sa daigdig, kasunod ng Vatican City. May apat na kapitbahayan ang Monaco: Monaco-Ville, ang matanda at orihinal na lungsod; ang la Condamine na malapit sa daungan; Monte-Carlo, ang main resort, residential at tourist area; at ang Fontvieille, ang bagong tayong area na ni-reclaim mula sa dagat.

Turismo at financil services ang nagpapasigla sa ekonomiya ng Monaco. taun-taon, milyun-miyong bisita ang dumaragsa sa taunang Monaco Grand Prix automobile race, mga beach, casino, performing arts, boating facilities, at iba pang tourist attractions. Taglay ng naturang bansa ang pinakamababang poverty rate sa buong daigdig at ang pinakamalaking bilang ng mga milyunaryo at bilyunaryo per capita sa daigdig. layunin ng Monaco ang palawakin ang ekonomiya nito sa serbisyo at small, high-value added, non-polluting industries. Mababa ang business taxes sa estado at walang income tax.

Noong 2004, umanib ang Monaco sa Council of Europe. Gayong hindi ito pormal na miyembro ng European union (Eu), lumalahok ang bansa sa border controls at customs. Gumagamit ito ng euro bilang tanging currency, dahil sa relasyon nito sa France, ang Eu member-state na may defense responsibility sa Monaco.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Monaco sa pangunguna ng Kanyang Kamahalan, Prince albert ii, at Kanyang Kamahalan, Princess Charlene, at State Minister Michel Roger, sa okasyon ng kanilang Pambansang araw.