ROME (Reuters)– Ang pagwawakas ng komunistang pamumuno sa Europe, na nagsimula 25 taon na ang nakalipas, ay hindi lahat positibo para sa Christianity dahil binuhay nito ang tensiyon sa Rome at Russia, sinabi ng isang mataas na opisyal ng Vatican noong Lunes.

Sinabi ni Cardinal Kurt Koch, mataas na opisyal ng Katoliko Romano para sa inter-church relations, na ang muling pag-usbong ng mga simbahan ng Eastern Catholic sa Ukraine at Romania matapos ang ilang dekada ng panunupil ay lumikha ng malaking tensiyon sa Russian Orthodox Church.

Inakusahan ng mga lider ng Russian Orthodox ag Vatican-aligned Ukrainian Greek Catholic Church ng pagtatangkang bawiin at ilayo ang mga mananampalataya sa Moscow Orthodox Patriarchate. Itinanggi na ito ng Ukrainian church at ng Vatican.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists