Kinuwestiyon ni retired Maj. Gen. Ramon Montano ang pagpayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando Tetangco Jr. sa pag-iisyu ng shares of stocks sa umano’y mga hindi kuwalipikadong indibiduwal at pagkakahalal nila sa Board of Directors ng Philippine Veterans Bank (PVB).

Nilinaw ni Montano na dapat tumalima si Tetangco sa nakasaad sa batas na tanging mga beterano at asawa at anak ng mga ito ang maaaring magmay-ari ng shares of stock sa PVB at sinampahan na nila sa Veterans Federation of the Philippines (VFP) ng plunder sa Office of the Ombudsman ang anila’y nagkasalang opisyal ng VFP sa ilalim ni ret. Col. Emmanuel de Ocampo na halos 30 taong naging presidente ng pederasyon.

Nitong Setyembre 18 ay sinuportahan naman ng charter members ng VFP at mga leader ng mga samahang beterano, sa pangunguna ni Defenders of Bataan and Corregidor, Inc. National Commander Atty. Rafael Evangelista, ang pagkilos ni Secretary of National Defense Voltaire Gazmin para sa kinakailangang reporma sa VFP sa pamamagitan ng bagong Constitution and By-Laws (CBL).

Ayon naman sa anak ng beteranong si Carling Galvez, ng Bulacan, napansin nilang naghihinay-hinay si Gazmin sa agad na pagpapatupad ng bagong CBL upang mabigyan ng pagkakataon ang grupo ni De Ocampo na maipaliwanag ang mga isyu at maharap ng mga ito ang kasong plunder sa Ombudsman.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Mas importanteng isyu sa PVB kung ano ang nangyari sa 20 porsiyentong net income na napunta sa Board of Trustees of Veterans of World War II (BTVWWII) na ang chairman ay si Col. Emmanuel de Ocampo,” ayon kay Cecilio Galvez. “Walang malinaw na accounting kung ano ang nangyari sa pondo at may pagsisiyasat na sa Kongreso kaugnay ng mahigit P900 milyon na-remit sa grupo ni De Ocampo.”

Bukod kay Evangelista, lumagda sa manipesto ng pagsuporta kay Gazmin sina PEFTOK Veterans Association Inc. President ret. Col. Paterno Viloria, USAFIP-Northern Luzon President Brig. Gen. Arnulfo Banez, Magsaysay Veterans Legion President Cmdr. Ricardo Madayag, Gold Star Mother and United Widows and Orphans Association of the Phils. Col. Juanito Recio, AFP Retired Veterans Association President ret. Col. Simplicio Duque, Philippine Veterans Legion President Capt. Marlon Dantes, at Fil-American Irregular Troops, Inc. Veterans Legion National President Cmdr. William Pasiwen.