Arestado ang isang miyembro ng isang kilabot na kidnap/ robbery group (Gapos gang) habang dumadalo sa hearing ng ibang pa nitong kaso sa Quezon City hall of Justice kahapon ng umaga sa Quezon city.

Kinilala ni QCPD Director Senior Supt. Joel Pagdilao ang suspek na si Jomel Tamalla, 25, miyembro ng “Gaga” kidnap/ robbery gang, at residente ng 22-A South Nagtahan, Pandacan, Manila.

Ganap na 9:00 ng umaga nang masakote ang suspek habang dinidinig ang kanyang kasong illegal possession of firearms and ammunitions.

Si Tamalla ay dinakip sa bisa nang warrant of arrest na inilabas ni Judge Mervin Jovito Samadan ng Dagupan Regional Trial court branch 40 sa kasong robbery with homicide.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

Siya rin ang itinuturong sangkot sa panghoholdap sa BHF Pawnshop and Gemline Center sa ABF Ave., Dagupan City kasama ang walong iba pang suspek.

Sa nasabing operasyon namatay ang isang gang member na si Alfred Mondarez na nabaril nang mga security guard habang pinaghahanap naman sina Bernard Pating, alyas “Ogie”; Efraim John Evangelista, alyas “Paeng”; at ang umano’y lider ng grupo na si Resty Branzuela, alyas “Gaga”.