Inihayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na inaprubahan na ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) sa Region 3 (Central Luzon) ang P13 dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa rehiyon.

“The increase will become effective 15 days from its publication in a newspaper of general circulation in the region,” pahayag ni Baldoz matapos niyang matanggap ang ulat mula kay Ma. Criselda Sy, executive director ng National Wages and Productivity Commission.

Ayon sa ulat ni Sy, ang bagong minimum wage sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales ay nasa P342 hanggang P349 para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector; P303-P319 para sa mga nasa sektor ng agrikultura; at P324-P338 para sa nasa retail/service establishments.

Sa Aurora, ang bagong minimum wage ay P298 para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector; P271-P283 sa nasa agrikultura; at P228 para sa mga manggagawa sa retail/service establishments.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi pa ng kalihim na ang maliliit na kumpanya na hindi hihigit sa 10 ang manggagawa ay may pagkakataong mag-apply ng exemption sa umento. - Mina Navarro