GENERAL SANTOS CITY – Isang lalaking sexagenarian ang natagpuang patay makaraang makipagtalik sa isang dalagita sa loob ng isang motel sa Surallah, South Cotabato, nitong Nobyembre 16.

Ayon sa pulisya, hubo’t hubad at wala nang buhay nang natagpuan ang 63-anyos na si Avelino Amistad, magsasaka at residente ng Banga, sa loob ng isang motel sa Barangay Libertad sa Surallah.

Kasama ni Amistad ang isang hindi nakilalang dalagita nang mag-check in siya sa hindi pinangalanang motel dakong 11:00 ng umaga. Makalipas ang 30 minuto, namataan ng empleyado sa motel ang pag-alis ng dalagita.

Pinaniniwalaang inatake sa puso ang matanda at natagpuan sa kuwarto ang wala nang laman na sex enhancer capsule.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Walang foul play sa insidente, ayon kay Surallah Police chief Supt. Benito Seron. - Joseph Jubelag