CLEVELAND (AP)- Umiskor si Ty Lawson ng 24 puntos, habang nagdagdag si Arron Mflalo ng 23 patungo sa pagputol ng Denver Nuggets sa four-game winning streak ng Cleveland, 106-97, kahapon.

Nakuha ng Denver ang abante at hindi na muling lumingon sa maagang bahagi ng third quarter at lumarnang ng 14 puntos sa kalagitnaan ng ikaapat na yugto.

Pinangunahan ni LeBron James, na hindi nakadalo sa morning shoot-around dahil sa sipon, ang Cleveland sa kanyang 22 puntos.

Lamang sa 90-84, nakakuha ang Nuggets ng walong sunod na puntos at iniwanan ang kalaban sa 98-S4 sa layup ni Lawson sa huling 6:0l.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Cleveland, na naipasok ang unang 113-pointers noong Sabado kontra sa Atlanta, ay nabigong makaabot sa 100 puntos sa unang pagkakataon sa anim na laro.

Sinabi ni James sa mga mamamahayag bago ang opening tip na ''I've been better," nguni't I'm walking." Aniya, ang kanyang sipon at karamdaman ay dalawang araw na siyang pinahihirapan. Siya ay nagtapos ng 8-for-18 mula sa field kasama ang 9 rebounds at 5 assists.

Si James, ang leading scorer ng NBA, ay napili bilang Eastern Conference Player of the Week sa rekord na ika-46 beses kahapon.

Naglista si Timofey Mozgov ng 14 puntos at 11 rebounds para sa Denver. Nag-ambag si Darrell Arthur ng 14 habang 12 naman kay Wilson Chandler.

Sina Kevin Love, Kyrie Irving at Dion Waiters ay kapwa nagtala ng 20 puntos para sa Cavs.

Ang winning streak ng Cleveland ay nag-umpisa sa kanilang 110-101 panalo sa Denver noong Nobyembre 7, ngunit ang matchup na ito ay ibang kuwento na. Si Afflalo ay scoreless sa 31 minuto sa kanilang unang pagtatagpo at hindi naglaro si Lawson dahil sa ankle injury.

Ang kalamangan ay 11 beses nagpalit ng kamay sa unang half at lamang ang Denver sa 53-52 sa break.

Tangan ang 60-57 abante sa maagang bahagi ng third period, nagkaroon ang Nuggets ng four-point possession. Naipasok ni Mozgov ang dalawang free throw makaraang matawagan si Anderson Varejao ng flagrant foul, at sinundan ito ni Lawson ng isang basket.

Nakakuha si James ng isang 3-pointer, ngunit nakaiskor si Kenneth Faried sa isang layup kasunod ang 3-pointer ni Afflalo para sa 69-60 bentahe sa kalagitnaan ng quarter.

Nagawa ni Faried ang isang defensive play of the game sa third quarter nang kanyang maagaw ang bola mula sa mga kamay ni Love at umpisahan ang break na nagresuIta sa free throw ni Afflalo para sa 79-69 kalamangan, may 2:34 pa ang nalalabi.

Resulta ng ibang lara:

Dallas 107, Charlotte SO

Phoenix 11S, Boston 114

Orlando 107, Detroit 93

Miami 95, BraoklynS3

Memphis 119, Houston 93

San Antonio 100, Philadelphia 75