Ken Takakura

TOKYO (AFP) – Pumanaw na ang Japanese aktor na siKen Takakura, 83, na nakilala sa mahusay na pagganap bilang detective sa pelikula ni Ridley Scott na Black Rain.

Sa mga dekada na itinakbo ng kanyang karera ay maaalala ang mga pinagbidahan ni Takakura, bilang police officer o yakuza gangster.

Madalas na ginagampanan ng aktor ang mga karakter na matapang at matikas, tahimik pero sumasabak sa pakikipag laban alinsunod sa batas.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Lumaki sa Fukuoka, si Takakura — na ang totoong pangalan ay Goichi Oda — ay namatay dahil sa lymphoma noong Nobyembre 10, ayon sa mga ulat noong Martes.

Pinarangalan ang aktor bilang best actor sa Montreal World Film Festival noong 1999 para sa pagganap bilang matandang railroad station master sa Poppoya.