BUENOS AIRES, Argentina (AP) — Mayroong sapat na ebidensya laban sa singer na si Justin Bieber upang siya ay makuwestiyon sa isang kaso, ayon sa Argentine investigative judge noong Biyernes.

Inakusahan si Bieber nang magpadala siya ng bodyguards upang sugurin ang photographer sa labas ng Buenos Aires nightclub noong 2013 South American tour, kung saan humingi siya ng tawad nang lapastanganin niya ang Argentine flag sa entablado at mapaaway sa mga pulis sa Brazil at Colombia.

“The evidence from witnesses, footage and photos shows that he didn’t wanted his pictures taken,” sabi ni Judge Facundo Cubas sa The Associated Press sa isang panayam. “That led his bodyguards to chase down after the photographers and it was followed by a beating.”

Ipinatawag ni Cubas si Bieber noong Huwebes at inatasan ang Interpol upang ipaalam sa singer na siya ay may 60 na araw upang magpakita. Ayon sa judge na siya ay maglalabas ng international arrest order kung hindi sisipot si Bieber.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sinabi ni Argentine photographer Diego Pesoa na siya ay sinugod ng mga bodyguards ni Bieber noong Nobyembre 9, 2013 sa labas ng INK nightclub, kung saan ang singer at ang kanyang mga kasama ay nag-party.

Base sa batas ng Argentine, maaaring makulong si Bieber ng isang buwan hanggang anim na taon kung siya ay mapatunayan sa kasong inireklamo laban sakanya, ayon sa judge.

Samantala, hindi makuhanan ng komento ang mga tagapagsalita ng singer.