Naghain ng mosyon sa Sandiganbayan si Senator Jinggoy Estrada upang hilingn na pahintulutan siyang sumailalim sa physical therapy sa Cardinal Santos Medical Center (CSMC) sa San Juan.

Paliwanag ng legal counsel ni Estrada, kailangan ng senador ang physical therapy sa isang well-equipped hospital, dalawa hanggang tatlong beses kada linggo at ito’y sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo.

Ayon sa mosyon, iniinda ng senador ang matinding pananakit ng kanyang kaliwang balikat, “mild bulging” ng kanyang cervical spine at ang nararanasan nitong adhesive capsulitis o frozen shoulder.

Nitong Lunes, pinahintulutan ng anti-graft court ang kapwa akusado nito sa multi-billion pork barrel scam na si Senator Ramon “Bong” Revilla sa hirit na overnight medical check-up sa St. Luke’s Medical Center sa Global City.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras