Mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome)

2 pm -- Cignal vs Generika (W)

4 pm -- Mane ‘N Tail vs RC Cola-Air Force (W)

6 pm -- PLDT Telpad vs Bench-Systema (M)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Tatangkain ng Generika at RC Cola-Air Force na masustena ang kanilang napakatinding porma sa kanilang pagsagupa sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na iprinisinta ng Asics sa Cuneta Astrodome.

Masusubukan ang lakas ng Life Savers kontra sa Cignal sa ganap na alas-2:00 ng hapon habang makakaharap ng Raiders ang Mane ‘N Tail sa ganap na alas- 4:00 ng hapon sa kanilang pakay na lalo pang mapalakas ang kanilang standings sa women’s division para sa prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core kasama ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Sa men’s side para sa torneong ito na kaakibat din ng Solar Sports bilang official broadcast partner, itataya ng reigning champion PLDT Telpad ang kanilang malinis na karta laban naman sa wala pang panalong Bench-Systema sa ganap na alas-6:00 ng gabi.

Kasama ang reinforcements na sina Emily Brown at Bonita Wise na sadyang nagbibigay ng tamang suporta mula sa local crew, sa pamumuno nina Joy Cases, Maika Ortiz at Rhea Dimaculangan, ipinagkaloob ng Raiders sa dating unbeaten na Petron ang unang pagkabigo matapos ang kapana-panabik na four-set victory, 25-20, 25-20, 16-25, 25-22, upang muling umakyat sa ikalawang spot sa women’s division.

Hawak ng RC Cola-Air Force ang 4-3 (win-loss) card kasama ang Generika, inasinta naman ang kanilang ikatlong sunod na pagwawagi nang makalusot sa Mane ‘N Tail sa napakaigting na five sets, 25-22, 27-29, 25-18, 22-25, 15-12.

“So far, so good. We’re hoping to sustain the momentum,” saad ni RC Cola-Air Force coach Rhovyl Verayo, kakahawak pa lamang sa koponan mula kay Clarence Esteban halos isang linggo ng magsimula ang tournament. “We’re taking it one game at a time. We have to deal with our next opponent first before even thinking of advancing to the finals. We still have a long way to go.”

Ngunit kontra sa Petron, ang koponan na siyang minamataan upang maglakbay sa championship battle, naglaro ang RC Cola-Air Force bilang isang rock-solid contender.

Ipinamalas ni Brown, ang 6-foot-2 na dating Kansas star, ang kanyang pinakamahusay na laro sa torneo kung saan ay tumapos siya na mayroong 17 puntos habang sina Cases, Wise at Ortiz ay nag-ambag ng 14, 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod, sa isang balanseng display ng offensive brilliance.

Isa rin ang Mane ‘N Tail na sinasabing mabigat din na kalaban.

Nagpasabog si Kristy Jaeckel, ang Lady Stallions’ gem, ng 39 puntos sa nakaraan nilang pagkatalo sa Generika. Ito ang kanyang ikalawang pinakaimpresibong performance matapos na magtala ng tournament-high 40 markers kontra sa Foton.

“We have to neutralize her scoring prowess just like what we did in our first encounter,” pahayag ni Verayo, inaasahang makakakuha ng inspirasyon mula sa kanilang hoping 25-22, 26-24,22-25, 25-22 win laban sa Lady Stallions sa unang round noong nakaraang Nobyembre 7.

Isa rin ang umaarangkadang Generika na makapagbibigay ng magandang laban para sa minamataang kampeonato.

Makaraang magsimula ng mabagal, napagwagian ng Life Savers ang kanilang sumunod na talong mga laro at ipinagpasalamat nila ito sa kanilang vastly-improved attacks, airtight defense at excellent communication sa loob at labas ng korte kung saan sina Abby Marano at Michelle Laborte ang sumiguro ng leadership role habang si import Natalia Kurobkova, Cha Cruz at Stephanie Mercado ang nagsagawa ng firepower sa attack zone.

Makakatagpo nila ang matatangkad sa frontline na pamumunuan nina American reinforcements Sarah Ammerman at Lindsay Stalzer kasama sina Aby Praca at Honey Royse Tubino, naglaro sa kanyang pinakamahusay na depensa sa kanilang 14-25, 25-17, 26-28, 21-25 loss sa Mane ‘N Tail sa nakaraan nilang encounter.