BEIJING (AFP)— Nangako si Chinese President Xi Jinping noong Lunes na hindi gagamit ng puwersa upang makuha ng Beijing ang gusto nito, kabilang na sa iringan sa karagatan, ilang araw matapos magbabala si US President Barack Obama sa mga panganib ng sigalot sa Asia.

Sa kanyang talumpati sa Australian parliament, sinabi ni Xi na ang kanyang higante at umuunlad na bansa ay kailangan ang kapayapaan, binigyang diin na walang nakikinabang sa digmaan.

“A review of history shows that countries that attempted to pursue development with force invariably failed,” aniya sa isang mahabang talumpati. “This is what history teaches us. China is dedicated to upholding peace. Peace is precious and needs to be protected.”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez