Ni NIÑO N. LUCES

GUINOBATAN, Albay – Nasa P2 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska at isang kilabot na drug pusher ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasama ang lokal na pulisya rito, sa search and seizure operations sa Barangay San Rafael, Guinobatan, Albay nitong weekend.

Kinilala ni PDEA-Region 5 Director Archie Grande ang nadakip na si Romeo Nosares, alyas “Buwaya”, 61, ng Basud, Bgy. San Rafael, Guinobatan.

Ayon kay Grande, dati nang naaresto si Nosares sa illegal trade at nakalalaya lang matapos magpiyansa. Isinailalim siya ng mga operatiba ng PDEA-Bicol sa masusing monitoring at nagapply ng search warrant kasunod ng pagkakabunyag ng mga transaksiyon nito ng ilegal na droga.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nakumpiska mula kay Nosares ang dalawang supot ng transparent plastic na may hinihinalang shabu at sa timbang na 400 gramo at nagkakahalaga ng P 2 milyon.