Nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa kahapon ng madaling araw.
Epektibo 12:01 ng madaling araw nang magtapyas ang Shell, Chevron, Flying V, PTT Philippines at Seaoil ng 80 sentimos sa kada litro ng gasolina at 50 sentimos sa diesel.
Bukod pa rito, nagtapyas din ang Shell, Chevron Flying V at Seaoil ng 35 sentimos sa kada litro ng kerosene.
Bandang 6:00 ng umaga magtatapyas ang Phoenix Petroleum ng parehong halaga sa gasoline at diesel.
Ang bagong bawas-presyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Sa unang taya, posibleng bumaba ng piso ang presyo sa kada litro ng gasolina, mahigit 50 sentimos naman sa diesel at kerosene.
Noong Nobyembre 11, tinapyasan ng mga kumpanya ng P1 ang kada litro ng gasolina, 35 sentimos sa diesel at 15 sentimos sa kerosene dahil sa pagbaba ng contract price ng langis sa world market.