Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ibahin ang oras ng operasyon ng mga shopping mall sa Metro Manila upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko dahil sa Christmas rush.

Pupulungin ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang mga mall operator ngayong linggo upang ilatag ang binalangkas ng ahensiya na staggered mall hours na babaguhin ang karaniwang pagbubukas ng shopping mall sa kasalukuyang 10:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi.

Nakikitang paraan ni Tolentino laban sa matinding traffic ang pagkakaroon ng synchronized na mall operating hours; papalitan ang nakasanayang oras ng operasyon ng nagkukumpulang mall sa isang lugar na maaaring gawing 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, habang ang ibang establisimiyento ay magbubukas naman ng mas huli at magsasara ng hatinggabi.

Ibinatay ni Tolentino ang nasabing plano sa tagumpay na implementasyon ng mall operating hours sa mga distrito sa Bangkok, Thailand at Singapore.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Paliwanag ng MMDA chief, layunin nitong maging maayos ang sitwasyon ng mga kalsada sa Metro Manila dahil nagsimula nang dumagsa ang mga shopper sa mga mall para mamili ng panghanda sa Noche Buena at mga pang-regalo sa Pasko.

Bukod pa rito ang mga Christmas party na karaniwan nang nagdudulot ng dagdag na pagsisikip ng trapiko.