Sinamantala ng Instituto Estetico Manila ang malamyang simula ng Systema Tooth and Gum Care sa decider set at hindi nagpatinag sa ginawa ng mga itong paghahabol upang maungusan ang huli, 25-21, 24-26, 25-22, 14-25, 15-12 at makamit ang unang kampeonato sa kalalakihan ng Shakey’s V-League noong Linggo ng gabi Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Nagsilbing matibay na pundasyon ng Volley Masters ang naitayong maagang 5-1 na bentahe sa simula ng fifth set kasunod ng ilang errors ng Active Smashers upang makamit ang tagumpay na naitala nila matapos ang dalawang oras at anim na minuto.

Halos magkasalo naming binitbit nina Chris Macaset at setter John Angelo Macalma ang kanilang team sa unang apat na sets bago naramdaman ang tila nahuli ng suporta mula sa mga teammates na sina Rocky Honrade at Angelo Espiritu sa fifth frame.

“It feels good to help write history as being the first men’s champion of the Shakey’s V-League,” pahayag ni Instituto coach Ernesto Balubar matapos makamit ang unang men’s title sa liga na tumatakbo na sa loob ng labing-isang taon.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ipinakita ni confertence MVP Jeffrey Jimenez kung bakit siya ang nagkamit ng nasbaing prestihiyosong individual award makaraang pamunuan niya ang nasabing panalo sa kanyang ipinosteng 16 na puntos na kinabibilangan ng 15 hits at 1 block.

Nag-ambag naman ang dating Far Eastern University standout na si Karl Ian dela Calzada ng 14 puntos at nagdagdag sina Rudy Gatdula at Jason Canlas ng 10 at 9 na puntos ayon sa pagkakasunod.

“It was an honor to win these trophies and the championship for my team,” pahayag ni Jimenez, na siya ring nahirang na Finals MVP ng season-ending conference na ito na suportado ng Mikasa at Accel at inorganisa ng Sports Vision.

Nauna rito, nakamit naman ng dating UAAP champion Far Eastern University ang ikatlong puwesto matapos maungusan ang Rizal Technological University sa isa ring 5-setter, 25-22, 20-25, 16-25, 28-26.

Nagposte ng 21 at 20 puntos sinja Greg Dolor at Joel Cayaba, ayon sa pagkakasunod, para pamunuan ang nasabing tagumpay kontra Blue Thunders na pinamunuan ni Carlo Sebastian na nagtala ng game high 25 puntos.