Kabuuang 28 runners ang nakapagkuwalipika sa 38th National MILO Marathon sa pangunguna nina Arnold Unabia at Liza Mabasa na nagwagi sa centerpiece event na 21 km race sa isinagawang General Santos qualifying leg noong Linggo na nagtala ng record sa pinakamaraming sumali na 9,300 runners sa General Santos City.
Iniuwi nina Unabia at Ambasa ang top prize na P10,000 cash at tropeo maliban pa sa kapwa pagsiguro ng puwesto sa nalalapit na National Finals sa Manila na gaganapin sa Disyembre 7 kung saan ang pinakamahuhusay na runner ay magsasagupa sa grand finale upang tanghaling MILO Marathon King at Queen.
Dagdag din na prestihiyo sa kompetisyon ang insentibo sa tatanghaling King at Queen ng torneo ang pagpapadala ng MILO patungo sa Japan para sa all-expense paid trip at makalahok sa 2015 Tokyo Marathon.
Sinamantala naman ni Unabia ang malamig na panahon upang itala ang pinakamabilis na oras na 01:15:12 upang biguin si Dante Baay (01:15:30) at Joselito Dugos (01:16:30) na nagkasya sa ikalawa at ikatlong puwesto.
Ang 36-anyos mula Tangub, Misamis Oriental na si Unabia ay nagsimulang sumali sa MILO Marathon sapul 1997 kung saan marami na itong naisukbit na karangalan tulad ng 9-time champion sa Cagayan De Oro at isang third place finish noong 2013 National Finals.
Si Unabia, na siya ring head coach ng Tangub City sa athletics, ay sinasanay ang mga estudyante sa Tangub City Central School at Tangub City National High School. Maliban sa MILO Marathon, sumasali dina ng mga mag-aaral nito sa MILO Little Olympics.
“I usually join the Cagayan De Oro race but this year, I was too busy coaching my students who won first place in the 5K and 10K events. My daughter also joined the race and she won third place in the 3K event,” sabi ni Unabia. “I wasn’t able to train as much as I wanted to because I focused on my students. I am thankful to the Lord that I still won. For the National Finals, I need an intensive, focused training program. This is essential in preparing for the finals.”
Itinala naman sa distaff side ni Liza Ambasa ang oras na 01:31:36 segundo upang talunin sina Gelyn Ninofranco (01:53:07) at Rosilie Lim (01:53:18).
Ang huling qualifying race ay isasagawa naman sa Davao sa Linggo, Nobyembre 23. Ang National Finals ay mangyayari naman sa Disyembre 7 sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.