VICTORIA, Tarlac— Nabigyan ng hustisya ang pagkakabundol isang lola sa Barangay Batang-Batang, Victoria, Tarlac nang dahil sa pagmamadaling makatakas ng driver ay bumangga ito sa isang motorsiklo na kanyang ikinamatay na ikinasugat ng isa pa kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, nabundol ni Michael Ancheta, 33, driver ng Honda tricycle na may plate number CA-8758 si Lailanie Gacutan, 60, may-asawa ng Barangay Batang-Batang, Victoria, Tarlac na sugatang isinugod sa Tarlac Provincial Hospital.

Habang patakas si Ancheta dakong 6:26 ay siya naman ang nabangga ng nakasalubong na Motorstar Saphire 110 na may plate number NA- 47179 na minamaneho ni Kenex Gomez, 24, ng Salcedo Street, Makati City. Namatay sa banggaan si Ancheta.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon